Diokno nakipagdebate kay Bato

BINANATAN nang matindi ng Otso Diretso candidate na si Atty. Chel Diokno ang dating PNP chief na si Bato dela Rosa sa isang debate nitong linggo.

The post Diokno nakipagdebate kay Bato appeared first on Abante News Online.

diokno nakipagdebate kay bato - Diokno nakipagdebate kay Bato
abanate Diokno - Diokno nakipagdebate kay Bato

BINANATAN nang matindi ng Otso Diretso candidate na si Atty. Chel Diokno ang dating PNP chief na si Bato dela Rosa sa isang debate nitong linggo.

Naghiyawan ang mga tagapanood nang idiniin ng iginagalang na human rights lawyer na panay mahihirap lang ang tinira ng madugong drug war ng administrasyon.

Nagtataka si Chel kung bakit ang mga big time na drug lord ay malaya pa rin hanggang ngayon.

Sagot niya ito sa paliwanag ni Bato na matagal pa bago tuluyang maging drug-free ang bansa sa kabila ng mga patayan sa bansa. Diin ni Bato, kailangan daw ng death penalty para tuluyang masugpo ang droga sa bansa.

“Alam nila, alam ng ating pamahalaan kung sino ‘yang mga ‘yan. Ang totoo, takot. Hindi nila kayang labanan ang mga drug lord na ‘yan. Kaya ang tinitira, puro mahihirap lang,” banat sa kaniya ni Chel.

Dagdag pa ng abogado, kakulangan sa aksyon ng pamahalaan ang dahilan ng pag-iral ng droga sa Pilipinas, tulad na ng hindi pagsuri sa mga bank accounts ng mga kilalang personalidad na may kinalaman sa droga.

Bukod kay Chel, kasama rin sa Otso Diretso sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa pulitika: dating Solicitor General na si Pilo Hilbay, ang election lawyer na si Romy Macalintal at ang dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

The post Diokno nakipagdebate kay Bato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *