Dinukot na Dutch national, 6 ASG todas sa engkuwentro

NASAWI ang dinukot na Dutch national na si Ewold Horn, habang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang asawa ng kanilang leader ang nasawi sa naganap na engkuwentro ng mga sundalo at teroristang grupo kahapon nang umaga sa Sitio Bud Sub-Sub, Barangay Pansul, Patikul, Sulu.

The post Dinukot na Dutch national, 6 ASG todas sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

dinukot na dutch national 6 asg todas sa engkuwentro - Dinukot na Dutch national, 6 ASG todas sa engkuwentro
sulu 2 - Dinukot na Dutch national, 6 ASG todas sa engkuwentro

NASAWI ang dinukot na Dutch national na si Ewold Horn, habang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang asawa ng kanilang leader ang nasawi sa naganap na engkuwentro ng mga sundalo at teroristang grupo kahapon nang umaga sa Sitio Bud Sub-Sub, Barangay Pansul, Patikul, Sulu.

Ayon sa mga awtoridad, nabaril ng isa sa mga miyembro ng ASG si Horn habang ito ay papatakas nang maganap ang engkuwentro dakong alas-7:41 nang umaga.
Kabilang sa nasawi si Mingayan Sahiron, asawa ni ASG Leader Ra­dulan Sahiron habang walong sundalo rin ang sugatan sa isang oras at kalahating engkuwentro.

Matapos ang eng­kuwentro na tumagal ng halos isa’t kalaha­ting oras, nagkanya-kanya ng takas ang mga mi­yembro ng ASG. Nakuha naman ng mga sundalo ang bangkay ni Horn gayundin ang asawa ni Sahiron.

Matatandaang si Horn ay dinukot ng mga tauhan ni Sahiron noong Pebrero 1, 2012 sa Brgy. Parangan, Panglima Sugala sa Tawi-Tawi. ­(Edwin Balasa)

The post Dinukot na Dutch national, 6 ASG todas sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *