Dinagdagan bagong COVID case! Tarlac pumalag sa sablay na DOH report

Pinuna ng pamahalaan ng Tarlac ang naging datos ng Department of Health kung saan umabot sa 211 ang umano’y bagong kaso sa kanilang probinsya.

The post Dinagdagan bagong COVID case! Tarlac pumalag sa sablay na DOH report first appeared on Abante.

dinagdagan bagong covid case tarlac pumalag sa sablay na doh report - Dinagdagan bagong COVID case! Tarlac pumalag sa sablay na DOH report
tarlac - Dinagdagan bagong COVID case! Tarlac pumalag sa sablay na DOH report

RP

Pinuna ng pamahalaan ng Tarlac ang naging datos ng Department of Health kung saan umabot sa 211 ang umano’y bagong kaso sa kanilang probinsya.

Sa Facebook post ng Provincial Government of Tarlac, pinalagan nila ang nilabas na numero ng DOH sa kanilang COVID-19 bulletin noong Sabado.

Saad ng Tarlac government, 19 kaso lang ang kanilang ni-report at anila’y inaayos na ito ng DOH Central Office.

“The reported 211 positive cases by the Central Office of the DoH in the province yesterday [Nov. 21] was incorrect. There were only 19 officially reported cases in the province and the DoH central office is now in the process of correcting their post which caused unnecessary panic and inconvenience to Tarlaqueños,” pahayag ng gobyerno ng Tarlac.

Today, November 22, 10:00 AM, the Department of Health confirmed twenty [20] positive Covid-19 cases in the province of…

Posted by Provincial Government of Tarlac on Saturday, November 21, 2020

Saad pa sa post, nitong Linggo ay kinumpirma ng DOH na 20 lamang dapat ang bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Siniguro naman ng Tarlac government na wala silang tinatagong impormasyon ukol sa pandemya.

The post Dinagdagan bagong COVID case! Tarlac pumalag sa sablay na DOH report first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *