Dinagat Island niyanig ng magnitude 5.4 lindol

NAKARANAS ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Loreto sa Dinagat Island Lunes nang umaga.

The post Dinagat Island niyanig ng magnitude 5.4 lindol appeared first on Abante News Online.

dinagat island niyanig ng magnitude 5 4 lindol - Dinagat Island niyanig ng magnitude 5.4 lindol
dinagat - Dinagat Island niyanig ng magnitude 5.4 lindol

NAKARANAS ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Loreto sa Dinagat Island Lunes nang umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol sa layong 49 kilometro northeast ng nasabing bayan ng alas-10:16 nang umaga.

Batay sa ahensya, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 31 kilometro. Naitala rin ang Intensity V sa nasabing bayan, IV naman sa Silago, Southern Leyte, III sa mga bayan ng Surigao City, San Jose, gayundin sa ilang bayan sa Southern Leyte, Tacloban City, at sa Lawaan, Eastern Samar.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Palo, Leyte at Intensity I sa Talibon, Bohol; Roxas City at Gingoog City.

Nauna rito, nilindol din ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental dakong alas-6:59 nang umaga. Magnitude 3.2 ang pagyanig at tectonic din ang origin na may lalaim na 176 kilometro.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsala sa nangyaring paglindol.

The post Dinagat Island niyanig ng magnitude 5.4 lindol appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *