DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila

DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila

IKINUKUNSIDERA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ipagaya sa lahat ng Local Government Unit (LGUs) ang mga isinagawang pagsasaayos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Maynila.

The post DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila appeared first on Abante News Online.

dilg ipapagaya ang ginawa ni isko sa maynila - DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila
ano 2 - DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila

IKINUKUNSIDERA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ipagaya sa lahat ng Local Government Unit (LGUs) ang mga isinagawang pagsasaayos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Maynila.

Ayon kay Año, kung nagawa ni Domagoso na isaayos ang mga masisikip na kalsada sa Maynila laban sa mga vendor sa loob lamang ng maikling panahon ay kakayanin din ito sa ibang munisipalidad at siyudad.

Pinuri rin ni Año ang Manila Business One Stop Shop na binuo ni Moreno sa pamamagitan ng kanyang nilagdaang Executive Order 8, na alinsunod sa Republic Act 11032, kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Deli­very Act of 2018.

Sinabi rin ni Año na kakasuhan niya ang lahat ng lokal na opisyal na hindi magagawa ang paglilinis ng mga kalsada ng kanilang mga nasasakupan at iyong hindi makakasunod sa RA 11032.

Nangangahulugan umano iyon na hindi ginagawa ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga trabaho.

Sinabi ni Año na dapat matugunan ng mga LGU kung papaano mapapagaan ang mga transaksyon ng publiko. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DILG ipapagaya ang ginawa ni Isko sa Maynila appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *