Dilag patay sa pekeng Uber driver

Bangkay na nang matagpuan si Samantha Josephson, isang 21-anyos na University of South Carolina senior, matapos nitong makipag-night out sa kanyang mga roommate sa Columbia, South Carolina.

The post Dilag patay sa pekeng Uber driver appeared first on Abante News Online.

dilag patay sa pekeng uber driver - Dilag patay sa pekeng Uber driver
uber 1 - Dilag patay sa pekeng Uber driver

Bangkay na nang matagpuan si Samantha Josephson, isang 21-anyos na University of South Carolina senior, matapos nitong makipag-night out sa kanyang mga roommate sa Columbia, South Carolina.

Bandang alas-dos nang madaling-araw ay nagkahiwalay na ang mga magtotropa para magkanya-kanya na, nag-book umano ng Uber ang estudyante at sumakay sa isang black Chevy Impala, ayon kay Columbia Police Chief W.H. ‘Skip’ Holbrook.

Kalahating araw ang lumipas, tumambad ang wala nang buhay na katawan ng dalaga sa isang patag 90 milya ang layo mula Columbia, nakita ito ng mga turkey hunter.

“What we know now is that she had, in fact, summoned an Uber ride and was waiting for that Uber ride to come,” saad ni Holbrook. “We believe that she simply mistakenly got into this particular car thinking it was an Uber ride.”

Lubha rin umanong naapektuhan ang pamil­ya ni Samantha dahil sa nangyari.
“Our hearts are broken, they’re broken. There is nothing tougher than to stand before a family and explain how a loved one was murdered,” aniya pa.
Isang Nathaniel David Rowland, 24-anyos, ang inaresto ng mga pulis dahil sa kasong murder at kidnapping sa pagkamatay ni Josephson. Kasalukuyan itong nakakulong sa Columbia.

Naituro si Rowland matapos hindi huminto sa pagharang ng mga awtoridad dahil sa possession of marijuana, nakita rin umano ang dugo ng biktima sa sasakyan ng suspek na mas nagpadali sa imbestigasyon ng mga pulis.
Bukod sa dugo, nakita rin ang mga liquid bleach, germicidal wipes at window cleaner sa loob ng sasakyan.

Hindi pa nagsasalita ang Uber tungkol sa nasabing insidente, nakalagay sa kanilang safety tip na suriing mabuti ang mga license plate, pa­ngalan at itsura ng driver sa app bago sumakay.

The post Dilag patay sa pekeng Uber driver appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *