Digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog

Dahil sa insomnia, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom siya ng sleeping pills para makatulog.

The post Digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog appeared first on Abante News Online.

digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog - Digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog
sleeping - Digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog

Dahil sa insomnia, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom siya ng sleeping pills para makatulog.

Sinabi ng Pangulo sa oath taking ng kanyang anak na si Davao City Vice-Mayor Sebastian Duterte noong Biyernes nang gabi na umiinom siya ng Stilnox, para makatulog dahil hindi siya agad nakakatulog at minsan ay gising na gising ito hanggang madaling-araw.

Ang Stilnox ay isang prescribed drugs para sa mga taong may insomnia o nahihirapang makatulog sa gabi.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kapag uminom siya ng Stilnox ay para na rin siyang nakatulog ng walong oras kahit anim na oras lamang ang itinulog nito.

“I take stilnox to sleep. Prescribed ‘yan. Tulog ka talaga because Stilnox makatulog ka lang ng six hours, patang nag-hit ka ng mga eight,” anang Pangulo.

Madalas sabihin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati na hindi agad siya nakakatulog sa gabi at inaabot siya ng madaling-araw kaya sinusulit niya ito sa pagbabasa ng mga dokumento at pagpirma ng mga papeles.

Ito rin ang dahilan kaya hindi nakakarating sa takdang oras ang Presidente sa kanyang mga aktibidad, at madalas ay naaantala ito ng isa o dalawang oras. (Aileen Taliping)

The post Digong umiinom ng sleeping tablet para makatulog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *