Digong tutol sa pagtakbong presidente ni Sara

KUNG si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanu­ngin ay ayaw nitong sumunod sa kanyang yapak ang panganay na anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

The post Digong tutol sa pagtakbong presidente ni Sara appeared first on Abante News Online.

digong tutol sa pagtakbong presidente ni sara - Digong tutol sa pagtakbong presidente ni Sara
sara 8 - Digong tutol sa pagtakbong presidente ni Sara

KUNG si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanu­ngin ay ayaw nitong sumunod sa kanyang yapak ang panganay na anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, Huwebes nang gabi, na sasabihan niya ang anak na alkalde na alisin sa isip ang ideya ng posibleng maging presidente ng bansa.

“‘Yang anak ko baka maano kayo I will advise her to lay off. Kung ako ang tatanungin mo hindi ako papayag na tatakbo,” anang Pangulo.

Nauna nang lumutang ang posibilidad na si Mayo­r Sara ang papalit sa kanyang ama pagkatapos ng termino sa 2022 na hindi naman pinansin ng alkalde.

Kailangan aniyang pag-isipan niya ito ng mabuti bago magdesisyon pagsapit ng Enero 2021.

Naniniwala naman si Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa presidential election si Mayor Sara at sinabing tatakot lamang aniya nito ang mga politikong may interes sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.

“I know Inday hindi ‘yan tatakbo ng presidente. Wise masyado ‘yan si Inday, she just want to shake the tree. Shaking the tree and getting rid of the dry leaves and everything,” dagdag pa ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Digong tutol sa pagtakbong presidente ni Sara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *