Digong sumemplang sa motorsiklo

LIGTAS at maayos ang kondis­yon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumemplang sa kanyang­ motorsiklo kamakalawa nang gabi.

digong sumemplang sa motorsiklo - Digong sumemplang sa motorsiklo
duterte 101 - Digong sumemplang sa motorsiklo

LIGTAS at maayos ang kondis­yon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumemplang sa kanyang­ motorsiklo kamakalawa nang gabi.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos makausap ang partner ng Presidente na si Madam ­Honeylet Avancena.

Sinabi ni Panelo na nasabit ang isang sapatos ng Presidente matapos iparada ang kanyang motorsiklo na naging dahilan para matumba ito at magalusan sa siko at tuhod.

“I would like to assure the nation that the President is safe in good hands and in good health. There was an accident, we confirm that last night. He rode in his motorcycle but after he parked his motorcycle, his shoes was naipit so he was trying to reach for it, natumba siya. He has slight bruise in the elbow and in the tuhod, knee. Okas naman siya,” ani Panelo.

Hindi aniya magiging dahilan ang minor accident para magkansela ng kanyang mga nakalinyang aktibidad ang Pangulo.

“Ka-text ko si First Lady.. I don’t think maka-cancel any of his activities because of that. Wala namang sinasabi. Wala yun, napaka-slight. Syempre pag natumba ka nayanig ng konti ang katawan mo. Wala yon.,” dagdag pa ni Panelo.
Nagpapahinga na aniya si Duterte sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago sa PSG compound kaya walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil maayos ang lagay nito at hindi kailangang sumailalim sa anumang medical procedure.

Kuwento naman ni dating special assistant to the president at ngayon ay Senador Bong Go, iniinda ni Pangulong Duterte ang kanyang balakang at siko sa naturang aksidente.

“Yung una niyang sinakyan medyo mababa. Yung panga­lawang motor medyo mataas.­ Nung pagliko papunta sa parking,­ (dahil) sobrang taas at sobrang bigat medyo sumemplang po siya at natukod niya ang kanyang siko,” kuwento ni Go. ­(Aileen Taliping/Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *