Digong suko sa Batasan war, Pulong kumalas na deputy speaker

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na politika sa Kamara.

The post Digong suko sa Batasan war, Pulong kumalas na deputy speaker first appeared on Abante.

digong suko sa batasan war pulong kumalas na deputy speaker - Digong suko sa Batasan war, Pulong kumalas na deputy speaker
abante duterte 15 - Digong suko sa Batasan war, Pulong kumalas na deputy speaker

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na politika sa Kamara.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng hindi pa rin matapos-tapos na agawan sa liderato ng Kamara na naging dahilan para mabalam ang proseso sa pagapasa sa panukalang 2021 pambansang budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nadala na ang Pangulo sa politika sa Kamara dahil sa patuloy pa ring bangayan ng mga kongresista .

“In principle, the President does not want to be involved in politics. “Natagam na ako”. Natagan is the Visayan word for “nadala na ako”. Yan po ang verbatim na sinabi ng Presidente mang siya ay manawagan sa mga kongresista natin na isantabi po ang politika,” ani Roque.

Samantala kumalas na bilang deputy speaker si Presidential son at Davao Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Ito ang kinumpirma ng staff ng kongresista kahapon kasunod ng pagluklok kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang Speaker kapalit ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Nagsumite umano si Pulong ng resignation kapwa kina Velasco at Cayetano.(Aileen Taliping/Eralyn Prado)

The post Digong suko sa Batasan war, Pulong kumalas na deputy speaker first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *