Digong seryoso sa VFA palit bakuna

Hindi pamba-blackmail ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kung hindi bibigyan ng COVID vaccine ang bansa.

The post Digong seryoso sa VFA palit bakuna first appeared on Abante.

digong seryoso sa vfa palit bakuna - Digong seryoso sa VFA palit bakuna
abante duterte 37 - Digong seryoso sa VFA palit bakuna

Hindi pamba-blackmail ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kung hindi bibigyan ng COVID vaccine ang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinanindigan lamang ng Pangulo ang kanyang independent foreign policy at hindi maging sunod-sunuran sa gusto ng mga kaalyadong bansa.

Ang sabi aniya ng Pangulo, ang magkaibigan ay nagtutulungan lalo na ngayong panahon ng pamdemya.

“Hindi po yan blackmail. Iyan po ang ibig sabihin ng independent foreign policy. Hindi po tayo sunud-sunuran, hindi po tayo didiktahan ng kahit sino. Dahil tayo ay magkakaibigan dapat magtulungan tayo . Kailangan namin ng vaccine,may vaccine kayo,bigyan nyo kami,” ani Roque.

Hindi aniya dapat masamain ng Estados Unidos ang mga naging pahayag ni Pangulong Duterte dahil kilala itong diretsong magsalita.

Kung hindi rin lang mapagbibigyan ang kahilingan ng gobyerno, sinabi ni Roque na mas mabuting gawin na lamang ng Amerika ang VFA sa mga bansang naunang binigyan nila ng bakuna.

Pinuna ng ilang senador ang naging pahayag ng Pangulo na anila ay tila blackmail ito sa Amerika.(Aileen Taliping)

The post Digong seryoso sa VFA palit bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *