Digong seryoso sa pagwalis sa mga broker, examiner

HINDI uubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawing pagkontra ng mga grupo ng Customs broker sa plano nito na pag-aalis sa mga ito sa Bureau of Customs (BOC).

digong seryoso sa pagwalis sa mga broker examiner - Digong seryoso sa pagwalis sa mga broker, examiner
ABANTE Duterte 13 - Digong seryoso sa pagwalis sa mga broker, examiner

HINDI uubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gagawing pagkontra ng mga grupo ng Customs broker sa plano nito na pag-aalis sa mga ito sa Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na kahit pa labanan ng mga broker sa BOC ang plano ng Pangulo ay walang magagawa ang mga ito dahil may mandato ang Presidente na protektahan ang interes at pagsilbihan ang sambayanan.

Hangga’t nasa puwesto aniya ang Pangulo ay gagawin nito ang lahat para maalis ang korapsyon sa bansa.

“Even if they want to fight but the President is mandated by the Constitution to serve the people and to protect the people. Iyon nga ang sinasabi niya, hangga’t nasa puwesto siya, gagawin niya ang lahat,” ani Panelo.

Pinalagan ng isang samahan ng mga Customs broker ang plano ni Duterte at haharangin aniya nila ito dahil mawawalan sila ng trabaho at hanapbuhay.
Matatandaang inihayag ng Pangulo noong nakalipas na linggo na tatanggalin niya ang mga broker sa BOC dahil isa ito sa mga dahilan ng katiwalian sa ahensiya.

Bukod sa mga Customs broker ay nais din ng Presidente na mawala ang mga tax examiner sa Bureau of Internal Revenue sa pamamagitan ng pagpapatupad ng gross taxation system. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *