Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan

Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagtapos na bagong opisyal ng Philippine National Police Academy (PNPA) na huwag magpadala sa kapangyarihan bagkus ay manindigan sa kanilang prinsipyo.

The post Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan appeared first on Abante News Online.

digong sa mga bagong pnp officer huwag magpalinlang sa kapangyarihan - Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan
PNP 1 - Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagtapos na bagong opisyal ng Philippine National Police Academy (PNPA) na huwag magpadala sa kapangyarihan bagkus ay manindigan sa kanilang prinsipyo.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 40th commencement exercises ng Sansiklab class of 2019 ng PNPA sa Camp Castañeda sa Silang, Cavite nitong Biyernes, Marso 22.

Hinamon ng Pangulo ang mga bagong opisyal na ipakita ang kayang gawin at gamitin ang kakayahan para sa komunidad.

“Excel in your chosen pursuits, lend your abilities to all our communities and stand by your principles at all costs. Never be deceived by power nor fame. What is important is that you honor, for it is your badge towards genuine success,” anang Pangulo.

Hinimok din ng Presidente ang mga bagong opisyal na manindigan sa kanilang prinsipyo sa lahat ng ­pagkakataon.

“Your goal must now be to serve and protect our people and country to the best of your ability. I therefore challenge your class, the Sansiklab class of 2019 to be the best version of yourselves,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na kaila­ngan ng bansa ang mga matatapang at positibong kagaya ng mga bagong opisyal dahil taglay ng mga ito ang katangian ng epektibo at episyenteng mga lingkod bayan.

The post Digong sa mga bagong PNP officer: Huwag magpalinlang sa kapangyarihan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *