Digong sa DAR chief: Boy Kulangot magtrabaho ka!

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Agra­rian Reform (DAR) Secretary John Castriciones dahil sa makupad umanong pamamamahagi nito ng lupa sa mga benepisyaryo ng lupang agraryo, kabilang na ang mga rebel returnee.

digong sa dar chief boy kulangot magtrabaho ka - Digong sa DAR chief: Boy Kulangot magtrabaho ka!
duterte digong - Digong sa DAR chief: Boy Kulangot magtrabaho ka!

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Agra­rian Reform (DAR) Secretary John Castriciones dahil sa makupad umanong pamamamahagi nito ng lupa sa mga benepisyaryo ng lupang agraryo, kabilang na ang mga rebel returnee.

Nababagalan ang Pangulo sa distribusyon ng lupa sa mga magsasakang naghihintay na magkaroon ng sariling lupang masasaka.

Sa kanyang pagdalo sa pamamahagi ng lupa sa mga dating miyembro ng New People’s Army sa San Isidro, Leyte nitong Huwebes nang gabi, pinagalitan ng Pangulo si Castriciones dahil sa makupad na pamamahagi ng lupa.

Hiniling aniya ng opisyal na bigyan siya ng anim na buwan para maipamudmod ang mga titulo ng lupain subalit tatlong buwan lamang ang ibinigay ng Pangulo sa kanya.

“He asked for six months. I told him that’s too long. Three months would be better. Unless you just spend the day picking your nose without really doing your job,” anang Pangulo.

Simula aniya nang maupo siyang Presidente ay nasa 140,000 ektarya ng lupain ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo at mayroon pang 2,200 ektarya na ipapamigay sa Leyte.

Inatasan ng Pangulo si Castriciones na ipamigay ang mga lupa sa mga taga-Leyte at mga dating rebelde sa loob ng tatlong buwan.

“How many hectares have I distributed already? Since I became President, it’s 140,000 hectares. According to Mayor Petilla there are 2,000 hectares here. The 2,200 hectares — tell your crazy comrades to get down here because they won’t be a part of the distribution if they aren’t here. How many months will the processing take? Six months? That’s too long. Make it three months. Just stay here,” dagdag ng Pa­ngulo.

Matatandaang nagalit si Pa­ngulong Duterte sa DAR noong nakalipas na taon matapos madiskubreng inupuan ng mga opisyal ng ahensiya ang aplikasyon ng land conversion na inabot ng dalawang taon. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *