Digong nakatutok sa lindol sa Batanes

NAKATUTOK si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto ng magkasunod na lindol na yumanig sa mga bayan ng Itbayat at Basco sa Batanes.

The post Digong nakatutok sa lindol sa Batanes appeared first on Abante News Online.

digong nakatutok sa lindol sa batanes - Digong nakatutok sa lindol sa Batanes
ABANTE Duterte 5 - Digong nakatutok sa lindol sa Batanes

NAKATUTOK si Pangulong Rodrigo Duterte sa epekto ng magkasunod na lindol na yumanig sa mga bayan ng Itbayat at Basco sa Batanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kumikilos na ang mga ahensiya ng pamahalaan partikular ang Office of the Civil Defense at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Batanes para sa relief operations.

“The Office of the President is closely monitoring the after effects of the twin earthquakes which struck Itbayat and Batanes early this mor­ning,” ani Panelo.

Naiparating na aniya kay Pangulong Duterte ang mga pinakahuling sitwasyon sa mga apektadog lugar at nagbaba na rin ito ng direktiba sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na umasiste sa mga biktima at gumawa ng mga hakbang para sa rehabilitasyon ng mga nasirang ari-arian.

Tiniyak ni Panelo na nakahanda ang gobyerno sa pagtugon sa mga kalamidad gaya ng lindol at sisikaping mailigtas ang buhay ng mamamayan at maibalik sa normal na pamumuhay ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Hinimok ni Panelo ang mga naapektuhang mga taga-Batanes na manatiling mahinahon at makipagtulungan sa relief teams ng gobyerno para madaling maiayos ang mga nagung pinsala ng magkasunod na 5.4 at 5.9 na lindol na tumama sa nabanggit na mga lugar.

“We ask affected constituents to remain calm as we urge them to remain vigilant and cooperative to go­vernment response and relief teams,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Tali­ping)

The post Digong nakatutok sa lindol sa Batanes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *