Digong nag-ulam ng sardinas sa cabinet meeting

HINDI kursunada ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihandang hapunan kamakalawa nang gabi sa kanyang regular cabinet mee­ting sa Malacañang at mas pinili ang kumain ng sardinas.

The post Digong nag-ulam ng sardinas sa cabinet meeting appeared first on Abante News Online.

digong nag ulam ng sardinas sa cabinet meeting - Digong nag-ulam ng sardinas sa cabinet meeting
abante cabinet meeting - Digong nag-ulam ng sardinas sa cabinet meeting

HINDI kursunada ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihandang hapunan kamakalawa nang gabi sa kanyang regular cabinet mee­ting sa Malacañang at mas pinili ang kumain ng sardinas.

Sa larawang kuha ni Executive Secretary Salvador Medialdea, maganang kinain ng Presidente ang ulam nitong sardinas.

Humanga naman ang mga miyembro ng gabinete sa pagi­ging simple ng Pangulo sa kabila na siya ang pinakamataas na opis­yal sa Pilipinas.
Ang inihaing pagkain sa cabinet meeting Lunes nang gabi ay baby back ribs na may kasamang gulay at kanin subalit inayawan ng Pangulo.

“Ayaw ko n’yan. Bigyan mo ako ng sardinas,” anang Pangulo batay sa kuwento ni Medialdea.

Kilala si Pangulong Duterte sa pagiging simple at minsan na ring sinabi na hindi siya sanay sa mga pagkaing pang-mayaman, at hindi niya ipagpapalit ang daing, munggo o kaya ay de latang pagkain sa mga sosyal na putahe sa mga mamahaling hotel. ­(Aileen Taliping)

The post Digong nag-ulam ng sardinas sa cabinet meeting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *