Digong: Mga politikong ‘di magsurender ng armas, patayin!

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya at militar na barilin ang mga politiko na magdadala ng maraming armas at iiwas sa mga checkpoint.

The post Digong: Mga politikong ‘di magsurender ng armas, patayin! appeared first on Abante News Online.

digong mga politikong di magsurender ng armas patayin - Digong: Mga politikong ‘di magsurender ng armas, patayin!
duterte 55 - Digong: Mga politikong ‘di magsurender ng armas, patayin!

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya at militar na barilin ang mga politiko na magdadala ng maraming armas at iiwas sa mga checkpoint.

“Basta ganito ang order ko. Kung naka-live ‘yan, ang kandidato limitado sila sa dalawang pulis, hindi army, pulis lang. Walang CAFGU. Pulis, dalawa. ‘Yan lang. Hindi kayo makadala ng high-powered — pistol lang,” wika ni Duterte sa isang speech sa Pasig City nitong Sabado nang gabi.

Matatandaan na binuhay ng Pangulo ang Alunan doctrine, isang policy na nagpapahintulot sa bawat politiko na magkaroon ng dalawang security personnel.

“Ngayon, ‘pag dumaan ka ng checkpoint ang order ko sa army pati pulis, ‘pag may firearm ka na M-16 o M-14, ‘pag sinabi ng pulis pati military ibaba mo ‘yan i-surrender mo. ‘Pag hindi mo sinunod ‘yan sabihin ko —sabi ko sa pulis pati military, pata­yin mo, patayin mo,” bilin ng Pangulo.

Ang utos na ito, ayon kay Pangulong Duterte ay kailangang ipairal sa lahat ng panig ng bansa.

“Kasi lumalaban, that’s defiance. So how can you arrest a person who does not want to surrender? Eh ‘di patayin mo. ‘Yan ang utos ko sa lahat. Buong Pilipinas ‘yan. So magdala — huwag kayong magdala-dala ng armas kasi ang order ko talaga sa pulis pati sa militar, barilin ka, patayin ka,” dagdag ng Pangulo. (Prince Golez)

The post Digong: Mga politikong ‘di magsurender ng armas, patayin! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *