Digong may maagang pamasko sa mga OFW

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ng Kongreso bago mag-Disyembre ang panukalang Department of OFWs para may pamasko ang gobyerno sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

digong may maagang pamasko sa mga ofw - Digong may maagang pamasko sa mga OFW
OFW 2 - Digong may maagang pamasko sa mga OFW

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ng Kongreso bago mag-Disyembre ang panukalang Department of OFWs para may pamasko ang gobyerno sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na natalakay at napagdebatehan na ang Department of OFW bill noong nakalipas na Kongreso kaya kaunting pagbusisi na lamang para maisabatas ito.

“Palagay ko kayang ipasa dahil napag-usapan na rin ‘yan noong previous Congress eh. May mga debate na, konting refinement at improvement na lamang,” ani Nograles.

Gusto aniya ni Pangulong Duterte na maging regalo sa mga OFW ang batas ngayong Pasko kaya hinihiling ng Malacañang sa Kongreso na maipasa agad ang panukalang batas.

“Ang gusto kasi ni Pangulo, pang-Christmas gift sa OFW itong batas. Alam naman natin na marami tayong mga kababayang OFW ang umuuwi tuwing Pasko so ito ‘yung pa-Christmas gift. So hiling namin sa House of Representatives pati sa Senado eh gawin na lang natin ‘yung gusto ng Pangulo para lahat tayo ay kasama sa pa-Christmas natin sa mga OFW,” dagdag ni Nograles.

Nauna rito ay nangako ang mga kaalyadong kongresista ng administrasyon na sisikapin nilang maipasa ang Department of OFW bill para agad na maaksiyunan ng Senado hanggang sa huling buwan ng kasalukuyang taon. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *