Digong may bagong misyon kontra red tape

NAKATAKDANG mag-isyu ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyonan ang problema sa red tape sa gobyerno pagbalik nito sa bansa mula sa pagdalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Thailand.

The post Digong may bagong misyon kontra red tape appeared first on Abante News Online.

digong may bagong misyon kontra red tape - Digong may bagong misyon kontra red tape
duterte 5 1 - Digong may bagong misyon kontra red tape

NAKATAKDANG mag-isyu ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyonan ang problema sa red tape sa gobyerno pagbalik nito sa bansa mula sa pagdalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Thailand.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa oath taking ng anak na si Davao City Vice-Mayo­r Sebastian Duterte, Biyernes nang gabi, na hindi uunlad ang bansa hangga’t walang law and order at hindi natutugunan ang problema sa korapsiyon sa bansa.

Inilahad ng Pangulo ang pagkadismaya sa makupad na transaksiyon sa gobyerno lalo na kapag nakakakita ito ng mahabang linya ng mga kumukuha ng permit at iba pang dokumento sa gobyerno.

Hindi rin aniya lingid sa Pangulo ang estilo ng mga tiwali sa gobyerno na pababalik-balikin ang mga may transaksiyon hanggang sa mapilitang magbayad na lamang ang mga ito para mapadali ang kanilang kinukuhang permit o dokumento.

Magiging laman ng EO ang kautusang ga­wing madali ang tran­saksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno.

“I will just give you a limited time, inclu­ding the cabinet members. ‘Yung extension, depende na lang kung i-justify nila. But yung lahat ng ano… you better do it,” anang Pangulo.

Naniniwala ang Pre­sidente na ang ilalabas na EO ang isa sa mga paraan para mapaganda ang serbisyo sa gobyerno pero naniniwalang may mas magagawa pang ibang paraan para malinis ang red tape sa burukrasya. (Aileen Taliping)

The post Digong may bagong misyon kontra red tape appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *