Digong ‘lilinisin’ ang 2021 budget

Hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang item sa P4.5 trillion national budget para sa 2021.

The post Digong ‘lilinisin’ ang 2021 budget first appeared on Abante.

digong lilinisin ang 2021 budget - Digong ‘lilinisin’ ang 2021 budget
digong - Digong ‘lilinisin’ ang 2021 budget

Hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang item sa P4.5 trillion national budget para sa 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga nakatakdang i-veto ang Pangulo sa panukalang budget para sa susunod na taon ngunit hindi pa nilalahad kung ano ang mga ito.

“Sigurado po na magkakaroon ng veto message pero I’m not at liberty to discuss po kung ano itong mga item na ito,” sabi ni Roque.

Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas sa 2021 national budget bago matapos ang taon.

Subalit nagpahiwatig si Roque na kabilang sa mga buburahin ng Pangulo sa panukalang budget ang mga item na nirekomendang alisin ng Department of Budget and Management (DBM).

“Inaasahan din na aaprubahan din po ng Presidente `yong mga naging rekomendasyon ng DBM. Meron pong mga recommended for veto,” ani Roque.

Nabatid na nakatakdang lagdaan ng Pangulo ang budget sa darating na Lunes, Disyembre 28.

Inaasahan din na may tig-limang kinatawan ng Senado at Kamara ang dadalo sa paglalagda ni Pangulong Duterte sa 2021 national budget. (RP/PNA)

The post Digong ‘lilinisin’ ang 2021 budget first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *