Digong lagare pa rin kahit may death threat – Palasyo

HINDI babawasan o lilimitahan ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit may banta ito sa kanyang buhay.

The post Digong lagare pa rin kahit may death threat – Palasyo appeared first on Abante News Online.

digong lagare pa rin kahit may death threat palasyo - Digong lagare pa rin kahit may death threat – Palasyo
panelo 1 - Digong lagare pa rin kahit may death threat – Palasyo

HINDI babawasan o lilimitahan ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit may banta ito sa kanyang buhay.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ginawang paghihigpit ng Presidential Security Group (PSG) sa seguridad ng Presidente matapos lagyan ng bulletproof glass ang podium sa dinaluhang aktibidad sa Malabon City noong Martes.

Ayon kay Panelo, kilala ang Presidente na hindi takot mamatay kaya walang mababago sa mga aktibidad nito.

Tinatakasan aniya nito minsan ang mga aide pero agad naman siyang nasusundan ng mga ito.

“Not this President. ‘Di ba sabi niya, hindi ako ang nasusunod dito pero minsan ay nawawala ito. Tumatakas nga iyan eh. Nagtataka nga iyong PSG, kaya lang after 10 mi­nutes nalalaman na kung nasaan siya eh,” ani Panelo.
Kumbinsido ang Palasyo na may banta talaga sa buhay ni Pa­ngulong Duterte dahil sa mga nasagasaan nito sa mga ipinatupad na pagbabago sa bansa at kampanya sa iligal na droga, kalaban sa politika at maging sa komunistang grupo.

Nauna rito ay ipinaliwanag na ni PSG Commander Brigadier General Jose Eriel Niembra na tungkulin nilang protektahan at tiyakin ang seguridad ni Pangulong Duterte sa lahat ng pagkakataon, may banta man o wala sa buhay nito.

Sinabi pa ni Niembra na kinakailangan nilang maglagay ng bulletproof glass sa podium ng Pangulo noong Martes nang gabi sa Malabon dahil napaliligiran ng mga bahay at gusali ang venue. (Aileen Tali­ping)

The post Digong lagare pa rin kahit may death threat – Palasyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *