Digong kay Joma: Ayoko makipag-usap sa matatanda!

WALA ng interes si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding­ chairman Jose Maria Sison.

The post Digong kay Joma: Ayoko makipag-usap sa matatanda! appeared first on Abante News Online.

digong kay joma ayoko makipag usap sa matatanda - Digong kay Joma: Ayoko makipag-usap sa matatanda!
matanada - Digong kay Joma: Ayoko makipag-usap sa matatanda!

WALA ng interes si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding­ chairman Jose Maria Sison.

Sinabi ng Pangulo na magtrabaho na lang ito para matulungan ang mga Pilipino na mabago ang kanilang buhay sa ilalim ng kanyang admi­nistrasyon.

“Hindi lang kami nagkakaintindihan ni Sison. Eh ayaw ko na makipag-usap ng matatanda. Marami siyang…mamaya kung ano tawahin niya ako ano-ano.

Parang bugoy sa kanto. Sinabi ko, “talk to the next President,” anang Pangulo.

Sa halip na si Sison, local peace talk na ang tinitignang alternatibo ng gobyerno para sa mga alagad ng kilusang komunista na gustong sumuko o magbalik-loob sa pamahalaan.

Matatandaang naglabas ang Malacañang ng Executive Order no.70 na lumikha ng Inter-Agency Task Force na humihikayat sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na sumuko at bibigyan ng pangkabuhayan para makapamuhay ng normal kasama ang kanilang pa­milya. (Aileen Taliping)

The post Digong kay Joma: Ayoko makipag-usap sa matatanda! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *