Digong kay Gloria: Ikaw na lang pumili ng Speaker

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumili ng kanyang kandidato sa pagka-Speaker ng Kamara dahil masasaktan ang ibang kandidatong hindi niya mapipili.

The post Digong kay Gloria: Ikaw na lang pumili ng Speaker appeared first on Abante News Online.

digong kay gloria ikaw na lang pumili ng speaker - Digong kay Gloria: Ikaw na lang pumili ng Speaker
duterte 83 - Digong kay Gloria: Ikaw na lang pumili ng Speaker

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumili ng kanyang kandidato sa pagka-Speaker ng Kamara dahil masasaktan ang ibang kandidatong hindi niya mapipili.

Giit ni Duterte, ang mga miyembro na lamang ng Kamara ang dapat magdesisyon kung sino ang iluluklok nilang Speaker.

Sa isang ambush interview kahapon sa Malacañang, sinabi ni Duterte na biniro niya si outgoing House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa victory party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) nitong Lunes nang gabi, na siya na lamang ang pumili ng magiging kapalit niya. Nagbiro pa si Duterte na ipapakulong niya si Arroyo kapag tumanggi ito.

Pero sa nakalap na report ng politiko.com.ph, sinabihan umano ni Duterte ang tatlong kandidatong sina Marinque Rep. Lord Allan Velasco, incoming Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Taguig-Pateros Representative-elect Alan Peter Ca­yetano noong Lunes na bigyan siya ng dalawang araw para magdesisyon kung sino sa kanila ang kanyang ieendorso.

Ang tatlong kandidato sa pagka-Speaker ay dumalo sa victory party ng HNP sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City nitong Lunes. Wala sa nasabing okasyon ang ika-apat na kandidatong si dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Nais umano ng tatlong kandidato na malaman agad kung sino sa kanila ang susuportahan ng Pangulo upang sa gayon ay maasikaso na ng mapipili ang distribusyon ng committee chairmanship sa mga miyembro ng Kamara.

Dumalo din sa okasyon si outgoin­g House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Nauna rito ay dumalo muna si Pangulong Duterte sa premiere night ng pelikulang ‘KontrAdiksyon’ sa SM Megamall sa Mandaluyong City kung saan sinabi nito sa ambush interview na wala pa siyang napipisil na ma­ging Speaker ng Kamara.

Sinabi ng Pangulo na kadarating lamang niya mula sa pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Bangkok, Thailand at natambakan ito ng trabaho kaya pag-iisipan niya kung ano ang gagawin. (JC Cahinhinan/Aileen Taliping)

The post Digong kay Gloria: Ikaw na lang pumili ng Speaker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *