Digong: Huwag matakot ma-COVID

Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at sinabihang huwag matakot madapuan ng COVID-19 dahil mayroon na aniyang medisinang panlaban dito.

The post Digong: Huwag matakot ma-COVID first appeared on Abante.

digong huwag matakot ma covid - Digong: Huwag matakot ma-COVID
abante duterte 16 - Digong: Huwag matakot ma-COVID

Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko at sinabihang huwag matakot madapuan ng COVID-19 dahil mayroon na aniyang medisinang panlaban dito.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng Pangulo na parating na ang bakuna kontra COVID at mayroon na ring Remdesevir at Avigan na magagamit kay niluwagan na niya ang mga paghihigpit sa ilalim ng ipinaiiral na community quarantine.

Nakabili na aniya ang gobyerno ng Remdesivir na may kamahalan pati ng Avigan para sa mga Pilipino.

“O, wag kayong matakot ma-COVID kayo. Maghintay lang kayo kay pabilis–pero nandiyan na ang bakuna kaya niluwagan ko na ang ano, lahat ” anang Pangulo.

Ang Remdisivir ay nagkakahalaga ng P3,500 -7,000 na ginagamit sa mga malala ang kontaminasyon sa COVID o kaya ay kritikal habang ang Avigan ay para sa mild COVID cases.

Pero binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya bibigyan ng gamot ang mga durugista na matatamaan ng COVID -19 .(Aileen Taliping)

The post Digong: Huwag matakot ma-COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *