Digong dumalaw sa burol ni ex-speaker Nograles

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni dating House Speaker Prospero Nograles sa Heritage Park, Fort Bonifacio Taguig City para ibigay ang huling respeto sa namayapang mam­babatas.

The post Digong dumalaw sa burol ni ex-speaker Nograles appeared first on Abante News Online.

digong dumalaw sa burol ni ex speaker nograles - Digong dumalaw sa burol ni ex-speaker Nograles
duts 14 - Digong dumalaw sa burol ni ex-speaker Nograles

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni dating House Speaker Prospero Nograles sa Heritage Park, Fort Bonifacio Taguig City para ibigay ang huling respeto sa namayapang mam­babatas.

Alas-12:00 nang madaling-araw ng Lunes, Mayo 6 nang duma­ting ang Pangulo sa burol at ipinaabot ang pakikiramay sa pamil­ya Nograles, partikular sa biyuda nitong si Rhodora at anak na si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Tumagal ang Pangulo sa burol ni Nograles ng mahigit dalawang oras bago umuwi sa Malacañang.

Si Nograles ay isa sa mga kalaban sa politika ng Pangulo sa Davao City noong nagsisilbi pa ito sa Davao City govern­ment.

Nakatakdang dalhin ang labi ni Nograles sa Davao City ngayong Martes para makita ng kanyang mga kababa­yan sa huling sandali. ­(Aileen Taliping)

The post Digong dumalaw sa burol ni ex-speaker Nograles appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *