Digong bibisita sa puntod ng magulang bago mag-Thailand

BIBISITA ngayong Huwebes si Pangulong Rodrigo Duterte sa musuleo ng kanyang mga magulang na sina Vicente at Soledad sa Roman Catholic Public Cemetery sa Davao City.

digong bibisita sa puntod ng magulang bago mag thailand - Digong bibisita sa puntod ng magulang bago mag-Thailand
duterte 112 - Digong bibisita sa puntod ng magulang bago mag-Thailand

BIBISITA ngayong Huwebes si Pangulong Rodrigo Duterte sa musuleo ng kanyang mga magulang na sina Vicente at Soledad sa Roman Catholic Public Cemetery sa Davao City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakausap niya si Senator Bong Go sa telepono at nabatid na dadalaw muna ang Presidente sa puntod ng mga magulang bago tumulak patungong Thailand para dumalo sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) summit.

Gayunman, hindi matiyak ng kalihim kung anong oras ito gagawin ng Presidente.

“Dadalaw bago umalis. What time? Hindi ko alam, basta bago siya umalis.” ang maikling pahayag ni Panelo.

Sa mga nakalipas na taon, madaling-araw kung bumisita ang Pangulo sa puntod ng kanyang mga magulang. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *