Digong: Albee Benitez pang senador sa 2022

Nangako si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez na pasok ito sa senatorial slate ng administrasyon sa 2022 elections.

The post Digong: Albee Benitez pang senador sa 2022 appeared first on Abante News Online.

digong albee benitez pang senador sa 2022 - Digong: Albee Benitez pang senador sa 2022
politiko Albee Benitez - Digong: Albee Benitez pang senador sa 2022

Nangako si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez na pasok ito sa senatorial slate ng administrasyon sa 2022 elections.

Ayon kay Negros Occidental Vice Governor Eugenio Joson, sinabihan din ni Pangulong Duterte si Benitez na palakasin ang kanyang liderato sa isla.

Sa isang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-­Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sinabi ng Pangulo na isang mabuting kaibigan ang kongresista.

“Of course my good friend who made the possible equation now. Kag sino magtakbo diri anong posisyon gatabang siya ang he was one of the major players in the decision-making. I know he’s an Ilonggo and he has a bloodline kaya interesado siya kung anong nangyari sa inyo dito si Albee Benitez,” saad ng Pangulo.

Kasama sana si Benitez sa senato­rial candidate ng PDP-Laban para sa May 13 midterm elections, pero noong Setyembre 2018 pa lamang ay nagdesisyon na itong umatras at nangakong tutulong na lamang sa administrasyon.

Si Benitez din ang isa sa napipisil na maging kalihim ng lilikhaing Department of Housing and Urban Development (DHUD). (Prince Golez)

The post Digong: Albee Benitez pang senador sa 2022 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *