Digital inclusion isinusulong ng Globe sa Antique

MAHIGIT sa 19,000 residente ng Semirara Island sa Caluya, Antique ang mayroon na ngayong access sa mas mahusay na mobile connectivity, digital applications, at cyber wellness training makaraang isulong ng Globe Telecom at ng partners nito ang digital inclusion sa malayong island community.

The post Digital inclusion isinusulong ng Globe sa Antique appeared first on Abante News Online.

digital inclusion isinusulong ng globe sa antique - Digital inclusion isinusulong ng Globe sa Antique
Globe Telecom - Digital inclusion isinusulong ng Globe sa Antique

MAHIGIT sa 19,000 residente ng Semirara Island sa Caluya, Antique ang mayroon na ngayong access sa mas mahusay na mobile connectivity, digital applications, at cyber wellness training makaraang isulong ng Globe Telecom at ng partners nito ang digital inclusion sa malayong island community.

Halos isang oras ang flight mula sa Manila, ang Semirara Island ay may lawak na 55 square kilometers at ta­hanan ng pinakamayayamang coal reserves ng bansa.

Karamihan sa mga manggagawa at kanilang mga pamil­ya na naninirahan sa isla ay nagmula sa kalapit na lalawigan ng Mindanao. Ang mobile connectivity at digital applications ay lubhang kailangan nila sa kanilang pamumuhay.

Nakipagtulungan ang Globe sa pinakamalaking coal producer sa Pi­lipinas, ang Semirara Mining and Power Corporation (SMPC), at sa local government unit upang gawing digital ang isla.

“Digital inclusion is a huge undertaking because it requires coo­peration from a broad set of stakeholders—private enterprises, local residents, and local government. We are happy that the stakeholders have given their support so we can bring about change that would eventually result to a more progressive island community,” wika ni Globe President and CEO Ernest Cu.

Upang mapagbuti ang voice at vi­deo communication, nakipagtambalan ang Globe sa SMPC para ma-upgrade ang lahat ng cell towers sa isla sa pamamagitan ng LTE technology. Bunga nito, ang mas mahusay na network connectivity ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng Semirara Island at ng outside world.

The post Digital inclusion isinusulong ng Globe sa Antique appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *