Dick kuluntoy kay Digong

HINDI ininda at mistulang tumiklop si Senador Richard Gordon sa ginawang pang-insulto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag siya nitong “was a fart away from disaster.”

dick kuluntoy kay digong - Dick kuluntoy kay Digong
gordon4 - Dick kuluntoy kay Digong

HINDI ininda at mistulang tumiklop si Senador Richard Gordon sa ginawang pang-insulto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag siya nitong “was a fart away from disaster.”

Noong Huwebes, pinutakti ni Duterte si Gordon ng kung ano-anong pang-iinsulto matapos batikusin ng senador ang pagtalaga ng Pangulo sa mga dating opisyal ng militar at pulis sa kanyang administrasyon.

“I take no offense at the President’s comments. As I have said, everyone is entitled to an opi­nion, and we cannot be onion-skinned about such things,” pahayag ni Gordon sa isang statement kahapon.

“I will continue to focus on working hard to serve the country and the people. Our goal as public servants is not any higher office, but to remain steadfast in service to ensure that we uplift the lives of our people, and that is what I try to do every day,” dagdag nito.

Ayon kay Gordon, chairman ng makapangyarihang Senate blue ribbon committee, ginawa niya ang komento bilang pagmamalasakit sa bayan at kay Duterte.

“We have known each other since we were both mayors and believe that we have mutual respect,” anang senador.

“I also have great respect for the military and the armed forces because they are the protector of the people and the State. However, at the same time, we want to assure the public that we are not militarizing the government,” saad pa nito.

Natawa lang si Gordon sa batikos sa kanya ng Presidente hinggil sa kanyang katabaan.

“I am happy that President is concerned about my waistline, but he need not worry about that. My wife has seen to it that I have reduced it significantly of late. But I appreciate that he is concerned about by health as I am about his,” sabi pa ni Gordon.

Nauna dito, sa talumpati sa 28th founding anniversary ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, Huwebes nang hapon, ibinuhos ng Pangulo ang banat kay Gordon na aniya ay nasa tiyan ang utak at isang utot na lang ito.

Hindi nagustuhan ng Pangulo ang kritisismo ni Gordon na probinsyano umano ito at walang kilala sa Maynila kaya puro militar ang kinuha sa mga mahahalagang puwesto sa gobyerno.

“He talks fast… dinadala niya sa usapang… gago ka hindi ka naman talaga Pilipino. Tisoy ka lang diyan. Isang utot ka lang! ‘Yang laki mong ‘yan.

‘Yan ang katawang mahirap, hindi puwede ang ambulansiya karga mo ‘yan sa truck ninyo. Pakialamero. Ikaw lang ba marunong?” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na kaya puro militar ang kinukuha niya sa gabinete at dahil mapagkakatiwalaan at mabilis magtrabaho. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *