‘Di nagpasilaw! Magsasaka sa Benguet binalik P133K

Kahit gipit sa buhay ay binalik ng isang magsasaka sa Tublay, Benguet ang natagpuan niyang bag na naglalaman ng P133,000.

The post ‘Di nagpasilaw! Magsasaka sa Benguet binalik P133K first appeared on Abante.

di nagpasilaw magsasaka sa benguet binalik p133k - ‘Di nagpasilaw! Magsasaka sa Benguet binalik P133K
abante magsasaka - ‘Di nagpasilaw! Magsasaka sa Benguet binalik P133K

Kahit gipit sa buhay ay binalik ng isang magsasaka sa Tublay, Benguet ang natagpuan niyang bag na naglalaman ng P133,000.

Sa Facebook, pinagmalaki ng Tublay Police ang magsasaka na si Mando Baniwas Alonzo. Natagpuan umano niya ang sling bag habang siya ay naglalakad sa Sitio Sayatan, Baayan noong Pasko ng umaga.

Dinala niya sa Tublay Municipal Police Station ang bag na naglalaman ng P133,800.75 cash at driver’s license. Agad ding tinawagan ng 53-anyos na magsasaka ang may-ari ng bag na si Roger Bai Santiago para makuha na nito ang ari-arian.

Nakuha ni Santiago ang bag matapos niyang magpresenta ng patunay ng kanyang pagkakakilanlan. Pinasalamatan niya rin si Alonzo.

“Money is one among the top concerns we have right now especially in this time of yuletide and period of pandemic. Many of us may face the reality of paying bills, providing for our families and trying to make the most of the festive season but no matter how one would badly need it the spirit of honesty and integrity remained to a person who chose to return the money. We salute you Mr. Mando Baniwas Alonzo for your honesty. God bless!” ayon pa sa pulis Tublay. (SDC)

The post ‘Di nagpasilaw! Magsasaka sa Benguet binalik P133K first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *