‘Di ko sinabing itigil ang drug war — Robredo

ITINANGGI ni Vice President Leni Robredo na nanawagan siya sa paghinto sa drug war ng administrasyong Duterte.

di ko sinabing itigil ang drug war robredo - ‘Di ko sinabing itigil ang drug war — Robredo
VP Leni Robredo - ‘Di ko sinabing itigil ang drug war — Robredo

ITINANGGI ni Vice President Leni Robredo na nanawagan siya sa paghinto sa drug war ng administrasyong Duterte.

Nilinaw ni Robredo na nirekomenda lamang niya ang mga pagbabago at paghinto sa maling paraan

“Nabasa ko ‘yung headline, mali ‘yun. ‘Yung headline mali, kasi binalikan ko ‘yung video, binalikan ko ‘yung transcript, wala akong sinabing ihinto ‘yung kampanya, at kapag i-tweak i-assess lang kung ano ‘yung mali.

Rebyuhin at ‘yung mga maling ginagawa, hindi na ituloy,” paliwanag niya sa kanyang lingguhang programa sa DZXL.

Matatandaan nakapanayam ng ­foreign news service Reuters si Robredo kung saan ang naging headline ay “Philippine vice president says time for Duterte to halt failed drug war.”

Ang pahayag ng Bise-Presidente ay tinuligsa ng Malacañang. Binash din si Robredo ng mga supporter ng administrasyon sa social media.

Todo-paliwanag naman si Robredo sa maling interpretasyon ng kanyang sinabi sa inteview.

“Iba ‘yung sinabi ko, ‘Pag tiningnan mo ‘yung interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba ‘yung strateging ginagamit.

Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. Ang ibig sabihin ng tweak, kailangang himasin o baguhin kasi parang may mga ginagawa silang hindi nagwo-work.” saad ni Robredo.

Pinaliwanag pa niya na kung puma­lo na sa 8 milyon ang bilang ng adik sa bansa mula sa 1.4 milyon noong 2016, ibig sabihin lang nito ay hindi umuubra ang paraan na ginagamit sa giyera kontra droga.

“Di ba tama lang na i-assess mo kung ano ‘yung hindi nagwo-work sa kampanya kasi kung nagsimula kang 1.4 million, despite the campaign naging 7 to 8 million na siya, mayroong hindi nagwo-work,” katuwiran ni Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *