‘Di binigyan ng pera ni ermat, hipag 9 beses sinaksak

killer-with-knife

ISANG 21-anyos na binata ang nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong frustrated homicide makaraang siyam na beses saksakin ang kanyang hipag nang hindi mabigyan ng pera ng kanyang ina sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

di binigyan ng pera ni ermat hipag 9 beses sinaksak - ‘Di binigyan ng pera ni ermat, hipag 9 beses sinaksak
killer with knife - ‘Di binigyan ng pera ni ermat, hipag 9 beses sinaksak

ISANG 21-anyos na binata ang nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong frustrated homicide makaraang siyam na beses saksakin ang kanyang hipag nang hindi mabigyan ng pera ng kanyang ina sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, nakilala ang suspek na si Jade Mark Urieta y Milan, 21, residente sa lungsod na nakakulong ngayon habang patuloy na nagpapagaling ang kanyang hipag na hindi pinangalan na nakaratay sa Tala Hospital Caloocan City.

Kamakalawa ng hapon nang dumating ng bahay ang suspek na si Urieta at nanghingi ng pera sa kanyang ina.

Nang hindi mabigyan ng pera ay nagalit ang suspek, kumuha ng kutsilyo at siyam na beses inundayan ng saksak ang sariling hipag.

Nang makita itong duguan ay tinangkang tumakas ng suspek ngunit hinabol siya at hinarang ng iba pang hipag at mga istambay kaya nakorner bago isi­nurender sa nagrespondeng awtoridad. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *