‘Di alam curfew: Pasaway KTV sa QC sinalakay

Nilusob ng mga awtoridad ang isang KTV resto bar sa Roosevelth Avenue, Quezon City nitong Biyernes ng gabi, kasunod ng sumbong na umaabot diumano hanggang madaling-araw ang operasyon ng establisimyento, gayundin ang hindi pagsunod sa health protocol, na pawing paglabag sa kautusan ngayong may pandemya.

The post ‘Di alam curfew: Pasaway KTV sa QC sinalakay first appeared on Abante.

di alam curfew pasaway ktv sa qc sinalakay - ‘Di alam curfew: Pasaway KTV sa QC sinalakay
Resto Bar - ‘Di alam curfew: Pasaway KTV sa QC sinalakay

Nilusob ng mga awtoridad ang isang KTV resto bar sa Roosevelth Avenue, Quezon City nitong Biyernes ng gabi, kasunod ng sumbong na umaabot diumano hanggang madaling-araw ang operasyon ng establisimyento, gayundin ang hindi pagsunod sa health protocol, na pawing paglabag sa kautusan ngayong may pandemya.

Alas-10:00 ng gabi nang sinalakay ng Task Force Disiplina ang restobar. Dito nabisto na bukas pa ang establisimyento kahit pa kasalukuyang curfew. Marami rin umano ang customer na umiinom pa ng beer at magkakadikit kaya hindi nasusunod ang physical distancing.

Nasa 16 na customer ang hinuli at binigyan ng tiket dahil sa paglabag sa curfew, pero depensa ng ilan sa kanila, hindi umano nila namalayan na oras na ng curfew, hindi rin umano nag-abiso sa kanila ang pamunuan ng bar.

Dahil dito, posibleng ipasara ang KTV bar dahil sa paglabag. Nagbabala pa ang mga awtoridad sa ibang establisimyento, na sundin ang mga health protocol.

The post ‘Di alam curfew: Pasaway KTV sa QC sinalakay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *