‘Di ako puwede mamatay- Duterte

Pinagbawalan ng Presidential Security Group (PSG) si Pangulong Rodrigo Duterte na lumabas para personal na tingnan ang sitwasyon sa mga lugar na binaha at sinalanta ng bagyong Ulysses .

The post ‘Di ako puwede mamatay- Duterte first appeared on Abante.

di ako puwede mamatay duterte - ‘Di ako puwede mamatay- Duterte
dduts - ‘Di ako puwede mamatay- Duterte

Pinagbawalan ng Presidential Security Group (PSG) si Pangulong Rodrigo Duterte na lumabas para personal na tingnan ang sitwasyon sa mga lugar na binaha at sinalanta ng bagyong Ulysses .

Sa kanyang mensahe sa publiko, sinabi ng Pangulo na maging ang kanyang mga doktor ay hindi siya binigyan ng permiso na lumabas dahil sa peligro ng COVID-19 na posibleng masagap sa labas lalo na sa mga binahang lugar.

“Gusto kong lumabas, gusto kong lumangoy matagal na akong hindi naligo eh, kaya lang ayaw nitong mga sundalo, sila ang ayaw, gustong maligo ibig sabihin. Ganon ang sitwasyon. It’s not that I am a distance from you, gusto kong pumunta doon makipaglangoy sa inyo, ang problema pinipigilan ako,” anang Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mayroon namang Vice-President na papalit sakaling may mangyari sa kanya kapag lumabas ito para puntahan ang mga binahang lugar pero hindi nakumbinsi ang PSG at mga miyembro ng gabinete.

“Kasi raw pag namatay ako isa lang ang Presidente, sabi ko eh may Vice President naman, walang sumasagot nagtitinginan lang sila. Hindi, hindi ka puwedeng mamatay itong panahon na ito. Kung malunod ka, malulunod kaming lahat na nagtatrabaho sa iyo,” dagdag ng Pangulo.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang kagustuhang makita ang mga biktima ng kalamidad at makiramay sa mga mga ito kahit pa matamaan ito ng COVID-19 subalit wala siyang magagawa dahil bantay-sarado siya ng PSG.

“We want to be of help, we want to be near and we want to share the grief , and we want to share the agony. Di na bale kung matamaan ako ng COVID-19 kung makalusot ako, ikukuwento ko na lang sa inyo ang experience ko,” wika ng Pangulo.

Nais ng Pangulo na magpakita sa mga tao pero sadyang mahigpit ang kanyang mga bantay maging ang kanyang mga doktor.(Aileen Taliping)

The post ‘Di ako puwede mamatay- Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *