DFA sumang-ayon sa Palasyo: Bigyang-hustisya ang namatay na Tsino

Pabor si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa pahayag kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang call center agent na Tsino na nahulog sa isang shopping mall sa Las Pinas noong Biyernes.

dfa sumang ayon sa palasyo bigyang hustisya ang namatay na tsino - DFA sumang-ayon sa Palasyo: Bigyang-hustisya ang namatay na Tsino
TeddyBoyLocsin 1 - DFA sumang-ayon sa Palasyo: Bigyang-hustisya ang namatay na Tsino

Pabor si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa pahayag kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang call center agent na Tsino na nahulog sa isang shopping mall sa Las Pinas noong Biyernes.

“100% agree with China on this one. [If] we go down this road of letting Chinese nationals be hurt, our people in China will pay. Send carping yellows to China when the anti-Filipino riots start to take the sacrificial place of our people working at good jobs there,” sabi ni Locsin sa kanyang Twitter account.

Natagpuan ang bangkay ni Yang Kang, 27, na nakaposas matapos mahulog mula sa ika-anim na palapag ng Vista Mall na matatagpuan sa Barangay Pamplona 2 ng nasabing lungsod.

Sabi ng Las Pinas City Police, kinulong at pinosas umano ang biktima ng kanyang supervisor na nakilala sa pangalang “Shiba”.

Dagdag ng pulis, huling nakitang buhay ang biktima alas-kwatro ng hapon nitong Huwebes nang komprontahin ito ng kanyang supervisor ukol sa sinisingil na utang.

Nang tanungin si Locsin sa Twitter kung ang nasa likod ng pagpatay sa biktima ay Chinese triad, sinabi niyang “it makes no difference.”

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa matugis o mahuli ng mga awtoridad ang dayuhan na patuloy pa rin umanong nagtatago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *