DFA naghain ng diplomatic protest vs China

dfa

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas dahil sa mga ulat na pinalibutan ng mga Chinese vessel ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).

dfa naghain ng diplomatic protest vs china - DFA naghain ng diplomatic protest vs China
DFA - DFA naghain ng diplomatic protest vs China

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas dahil sa mga ulat na pinalibutan ng mga Chinese vessel ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).

Inanunsyo ito ni Foreign Affairs Secretary Teo­doro Locsin Jr. sa Twitter matapos irekomenda ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. ang paghahain ng protesta.

“Diplomatic protest fired off,” tweet ni Locsin nitong Miyerkoles.

Ayon kay Esperon, tinatayang 133 Chinese vessel ang naispatan sa paligid ng Pag-asa Island noong Hulyo 24. Hindi pa mabatid ni Esperon kung ano ang motibo ng pagtambay ng mga Chinese vessel doon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinaikutan ng mga Chinese vessel ang Pag-asa Island dahil sa ginawa din ito noong Marso ng kasalukuyang taon.

Bukod sa paligid ng Pag-asa Island, na-monitor din ni Esperon ang pagdaan ng mga barkong pandigma ng China sa Sibutu Strait nang walang kaukulang permiso sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *