DFA iuuwi mga OFW sa Lebanon

Iuuwi ng gobyerno ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Lebanon para sa kanilang kaligtasan.

dfa iuuwi mga ofw sa lebanon - DFA iuuwi mga OFW sa Lebanon
lebanon flag - DFA iuuwi mga OFW sa Lebanon

Iuuwi ng gobyerno ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Lebanon para sa kanilang kaligtasan.

Ito ang tiniyak ng Malacañang kasunod ng magaksunod na malaking pagsabog sa Port of Beirut sa Lebanon kung saan dalawang Pilipino ang iniulat na nasawi habang anim ang nasugatan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na paiigtingin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga hakbang para ligtas na maiuwi sa bansa ang mga Pilipinong naapektuhan ng sitwasyon sa nabanggit na bansa.

“I think the government will continue its repatriation of nationals who wish to be evacuated from the area. I believe the DFA will intensify our efforts to bring home our kababayan in that war-torn area,” ani Roque.

Batid aniya ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Lebanon ang panganib sa nabanggit na bansa at mayroong advisories na inilabas ang gobyerno para sa mga nagtatrabaho sa Lebanon.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *