‘Designated Survivor’ bill isabatas na- Lacson

Nanawagan si Senador Panfilo Lacson na isabatas na ang “Designated Survivor”bill upang maiwasan ang constitutional crisis at pagkabakante ng lider ng bansa sakaling magkaroon ng ‘di inaasahang pangyayari (“exceptional circumstances”) kagaya ng terorismo.

The post ‘Designated Survivor’ bill isabatas na- Lacson first appeared on Abante.

designated survivor bill isabatas na lacson - ‘Designated Survivor’ bill isabatas na- Lacson
abante ping 1 - ‘Designated Survivor’ bill isabatas na- Lacson

Nanawagan si Senador Panfilo Lacson na isabatas na ang “Designated Survivor”bill upang maiwasan ang constitutional crisis at pagkabakante ng lider ng bansa sakaling magkaroon ng ‘di inaasahang pangyayari (“exceptional circumstances”) kagaya ng terorismo.

Sabi ni Lacson, nagsulong ng panukala, ang agarang pagsasabatas nito ay magsisilbing lunas sa limitasyon sa isinasaad ng Saligang Batas tungkol sa pagpasa ng liderato ng bansa o line of succession.

“Because of the failure of Congress to pass the necessary legislation in extending the line of succession beyond the Speaker of the House of Representatives, a constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” paliwanag ni Lacson.

“If such a tragedy occurs, who will act as President until the next election of the President and Vice President, since the constitutional line of succession to the President stops at the House Speaker” tanong pa nito.

Umaasa si Lacson na magsasagawa na ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and law ng pagdinig kaugnay Senate Bill No. 982 na inihain nito noong Agosto ng nagdaang taon.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, sakop ng line of presidential succession ang Pangalawang Pangulo, Senate President at House Speaker.

Ngunit kung may nangyari sa tatlo na maaring magresulta para hindi nila lahat magampanan ang mga responsibilidad bilang lider ng bansa, wala nang natukoy sa Saligang Batas kung sino ang susunod.

Ayon kay Lacson, ang mga ito ay nangangahulugan na nasa Saligang Batas din ang pagkakaroon ng “Designated Survivor” na lider ng bansa. (Dindo Matining)

The post ‘Designated Survivor’ bill isabatas na- Lacson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *