Deployment ban binawi ni Duterte: Nars, med tech puwede na mag-abroad

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga Pinoy health worker na kinabibilangan ng mga nars, med tech at doctor sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

The post Deployment ban binawi ni Duterte: Nars, med tech puwede na mag-abroad first appeared on Abante.

deployment ban binawi ni duterte nars med tech puwede na mag abroad - Deployment ban binawi ni Duterte: Nars, med tech puwede na mag-abroad
abante nurse 2 - Deployment ban binawi ni Duterte: Nars, med tech puwede na mag-abroad

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa pagbabawal ng pagpapadala ng mga Pinoy health worker na kinabibilangan ng mga nars, med tech at doctor sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon sa kalihim upang matiyak na ang Pilipinas na may pangalawang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 at pagkamatay sa Timog-silangang Asya ay magkakaroon ng sapat na mga medikal na propesyonal upang labanan ang pandemya ay 5,000 health worker lang ang papayagang umalis kada taon.

Unang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga doktor, nars, med tech at iba pang health worker sa ibang bansa upang mapanatili ang puwersa sa frontline laban sa pandemya.

Nagkabisa ang pagbabawal noong Abril 2 ngunit nang maglaon ay binago at pinayagan ang mga may umiiral na mga kontrata sa pagtatrabaho noong Marso 8, 2020 na umalis sa bansa.

Ngunit ang apela at pakiusap ng karamihan mula sa grupo ng mga nars ang nag-udyok sa gobyerno na muling isaalang-alang ang pagpapalawak ng exemption upang isama ang mga propesyonal sa kalusugan na may kumpletong kontrata sa pagtatrabaho sa ibang bansa hanggang Agosto 31, 2020.

Tinatayang 1,000 hanggang 1,500 mga nars ang apektado ng ban na nagsimula noong Abril, ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia. (Mina Navarro)

The post Deployment ban binawi ni Duterte: Nars, med tech puwede na mag-abroad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *