DepEd naghahanda sa ‘face to face’ klase

Bukas pa rin ang Department of Education (DepEd) sa usapin kaugnay sa pagbibigay ng limitadong face to face classes sa mga lugar lamang na walang coronavirus disease (Covid-19) cases.

The post DepEd naghahanda sa ‘face to face’ klase first appeared on Abante.

deped naghahanda sa face to face klase - DepEd naghahanda sa ‘face to face’ klase
abante class - DepEd naghahanda sa ‘face to face’ klase

Bukas pa rin ang Department of Education (DepEd) sa usapin kaugnay sa pagbibigay ng limitadong face to face classes sa mga lugar lamang na walang coronavirus disease (Covid-19) cases.

Ayon kay DepEd Undersecretary Toni Umali, pinaghahandaan na rin nila ang pagkakaroon ng face to face pero sa mga limitadong lugar lamang na hindi lubos na naapektuhan ng pandemic.

“Sa ngayon, walang face-to-face classes pero pinaghahandaan na po ‘yan talaga ng ating yan talaga ng ating DepEd,” ayon kay Umali.

Matatandaang una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na bawal muna ang in-person classes hanggang hindi pa dumarating ang COVID-19 vaccine at posibleng magkaroon ng face-to-face classes na sa January 2021.

Kaugnay nito, nilinaw ni Umali ang mga nakikitang mali sa kanilang self-learning modules na kung saan ay maaaring nakalusot ang mga mali at sisikapin nilang hindi na mauulit pa kahit nasa 667 million self-learning modules ang na-print na.

“Inaamin natin na may nakalusot. Itatama po natin yan. Tayo ay nagsisikap na maging perpekto po ang lahat. Sisikapin po natin maski hindi perpekto ang ating sitwasyon,” paliwanag ni Umali. (Vick Aquino)

The post DepEd naghahanda sa ‘face to face’ klase first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *