DepEd naalarma sa nagpakamatay na estudyante

Isang malaking pagsubok sa pamunuan ng Department of Education (DepED) ang pakikitungo sa mga mag-aaral at maging sa mga guro sa kabila ng nagaganap na COVID-19 pandemic na kung saan kailangang masiguro ang kanilang mental na kalusugan.

The post DepEd naalarma sa nagpakamatay na estudyante first appeared on Abante.

deped naalarma sa nagpakamatay na estudyante - DepEd naalarma sa nagpakamatay na estudyante
DEPED 1 - DepEd naalarma sa nagpakamatay na estudyante

Isang malaking pagsubok sa pamunuan ng Department of Education (DepED) ang pakikitungo sa mga mag-aaral at maging sa mga guro sa kabila ng nagaganap na COVID-19 pandemic na kung saan kailangang masiguro ang kanilang mental na kalusugan.

Ito ay matapos kumpirmahin ni DepED Secretary Leonor Briones na may isang mag-aaral ang nag-suicide dahil naapektuhan ng COVID -19.

“On the matter of these psychosocial problems which have emerged, so far among K-12 learners, one case has been documented where we can see the relation to COVID. They say the child committed suicide because of COVID,” paglilinaw ni Briones.

Nilinaw ni Briones na maraming naapektuhan ng pandemya at hindi lamang mga mag-aaral kundi maging ang mga guro rin ay naapektuhan rin ng mental health issues.

Kaya naman, nakipag-ugnayan ang DepEd sa Psychological Association of the Philippines para matugunan ang psychosocial support program ng mga guro at mag-aaral. (Vickay Aquino)

The post DepEd naalarma sa nagpakamatay na estudyante first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *