DepEd kinalampag sa paglobo ng suicide

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan na paigtingin ang pagpapalawak ng kaalaman kung paano maiiwasan ang pag-akyat ng mga kaso ng suicide, lalo na’t mas nanganganib makaranas ang mga mag-aaral ng stress at anxiety sa gitna ng COVID-19.

The post DepEd kinalampag sa paglobo ng suicide first appeared on Abante.

deped kinalampag sa paglobo ng suicide - DepEd kinalampag sa paglobo ng suicide
suicide - DepEd kinalampag sa paglobo ng suicide

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan na paigtingin ang pagpapalawak ng kaalaman kung paano maiiwasan ang pag-akyat ng mga kaso ng suicide, lalo na’t mas nanganganib makaranas ang mga mag-aaral ng stress at anxiety sa gitna ng COVID-19.

Ginawa ng senador ang panawagan kasabay nang paggunita ng ng ‘World Suicide Prevention Day’ kahapon, ika-10 ng Setyembre.

Ayon kay Gatchalian, mahalagang maging bahagi ng mga programa sa mental health at psychosocial support ang pagtuturo sa mga kabataan kung paano matukoy ang mga posibleng senyales na maaaring mauwi sa pagpapakamatay.

Ito ay upang mabigyan ng agarang aksyon ang mga ganitong pangyayari at agad na maiulat sa mga awtoridad.

Maliban sa pagsasagawa ng counseling sessions para sa mga kabataang mag-aaral at pagsasanay sa mga guro kung paano magbigay ng psychosocial first aid, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagan ng mga programa para sa peer counselling upang mahiyakat ang mga mag-aaral na magdamayan.

Sa 2015 Global School-based Student Health Survey na isinagawa ng World Health Organization halos labing-pitong (16.8) porysento ng mahigit walong libong (8,761) kalahok na mag-aaral sa Pilipinas na may edad labing-tatlo (13) hanggang labing-pito (17) ang nagtangkang magpakamatay. Labing-dalawang (12) porsyento naman ang nagbalak magpakamatay.

Ayon sa Department of Education (DepEd) may isang mag-aaral silang natukoy na nagpakamatay dahil sa epekto ng pandemya.

Kaya giit ni Gatchalian, mahalaga ang psychosocial support lalo na’t nag-aalala rin ang mga mag-aaral sa pagkawala ng trabaho ng kanilang mga magulang at paglipat sa distance learning.

“Bahagi ng ating paglaban sa pandemya ng COVID-19 ang pangangalaga sa mental health ng ating mga kabataan, lalo na’t nananatili ang takot at kawalan ng kasiguruhan sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, pati na rin sa usapin ng edukasyon” ani Gatchalian. (Dindo Matining)

The post DepEd kinalampag sa paglobo ng suicide first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *