DepEd: Christmas break simula sa Disyembre 15

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na sa Disyembre 15, 2019 ang Christmas break para sa mga Kindergarten hanggang Grade 12 students sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

deped christmas break simula sa disyembre 15 - DepEd: Christmas break simula sa Disyembre 15
deped 1 1 - DepEd: Christmas break simula sa Disyembre 15

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na sa Disyembre 15, 2019 ang Christmas break para sa mga Kindergarten hanggang Grade 12 students sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Batay sa DepEd Order 007 s. 2019, o ang School Calendar para sa School Year 2019-2020, nakasaad dito na ang mga pampublikong eskuwelahan ay dapat pagbakasyunin na ang kanilang mga estudyante sa Disyembre 15.

Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kahit may mga naganap na class suspensions sa ilang lugar sa mga nakalipas na buwan ay hindi naman ito nakaapekto sa nakatakdang Christmas break ngayong taon.

Sakali man umanong magkaroon ng adjustment ay localized lamang ito at ipinauubaya na ng DepEd sa mga regional, division at school level ang desisyon hinggil dito.

Samantala, nilinaw naman ni Education Undersecretary Analyn Sevilla na ang naturang department order ay para sa lahat ng pampublikong eskuwelahan lamang.

Maaari aniyang hindi sumunod dito ang mga pribadong paaralan, dahil may sinusunod silang sariling school calendar.

Maaari rin aniyang magpatupad ang mga private school ng ibang schedule ng kanilang Christmas break, base sa desisyon ng kanilang school administrator.

Inaasahan namang magbabalik-eskuwela ang mga mag-aaral sa Enero 6, 2020, na siyang unang Lunes ng susunod na taon. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *