Department of Water bill isasalang sa Kamara

Dagdag buwis sa alak habol sa Pasko

NIREREPASO ng isang ‘Technical Working Group’ sa Kamara na pinamumunuan ni ­Albay Rep. Joey Salceda, ang panukalang batas na nalalayong likhain ang Department of Water Resources (DWR), kung saan pagsasamahin ang mga programa sa tubig ng bansa.

department of water bill isasalang sa kamara - Department of Water bill isasalang sa Kamara
kamara 2 - Department of Water bill isasalang sa Kamara

NIREREPASO ng isang ‘Technical Working Group’ sa Kamara na pinamumunuan ni ­Albay Rep. Joey Salceda, ang panukalang batas na nalalayong likhain ang Department of Water Resources (DWR), kung saan pagsasamahin ang mga programa sa tubig ng bansa.

Ang ‘National Water Act,’ ay batay sa halos 30 panukalang batas para tugunan ang lalong tumitinding problema sa tubig ng maraming Pilipino. Dalawa sa naturang mga panukala ay akda ni Salceda, na chairman ng House Ways and Means Committee.

Suportado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang panukala na ang layon ay itatag ang ‘Water Regulatory Commission’ (WRC) sa ilalim ng DWR.

Ayon kay Salceda, inaasahang maipapasa ng Kamara ang consolidated National Water Act sa Enero.

“Sadyang kailangan ng nga ng Pilipinas ang magkaroon ng mabisang Department of Water Resources, upang maitugma ang masalimoot na sistema ng panga­ngasiwa sa tubig sa bansa dahil sa ngayon ay may mga 30 ahensiyang pambansa at lokal na nakikialam dito; dahil hindi ‘walang kaubusan’ ang ating yamang tubig lalo na patuloy na luma­laki ang ating populas­yon at kailangan ito sa patuloy na papaunlad sa bayan,” giit ni Salceda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *