Department of disaster management isusulong ni Tolentino

Tuluy-tuloy pa rin ang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections kung saan ay kani-kaniyang paliwanag ng kani-kanilang plataporma ang mga ito.

The post Department of disaster management isusulong ni Tolentino appeared first on Abante News Online.

department of disaster management isusulong ni tolentino - Department of disaster management isusulong ni Tolentino
franics 1 - Department of disaster management isusulong ni Tolentino

Tuluy-tuloy pa rin ang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections kung saan ay kani-kaniyang paliwanag ng kani-kanilang plataporma ang mga ito.

Sa isang interview ng FEBC kay senatorial candidate Francis Tolentino ipinahayag nito ang pagnanais na isulong ang pagkakaroon ng departamentong tututok nang maayos sa disaster ma­nagement lalo na sa pa­nahong tulad ng El Niño kung saan ay may kaa­kibat na iba’t ibang problema kagaya ng kakulangan sa tubig, pagtaas ng bilihin, brown-out at iba pa.

“Alam ninyo naman po disaster preparedness advocate ako, sinusulong ko pa rin ‘yung pagtatatag ng isang department of disaster ma­nagement. Para sa akin ‘yung disaster hindi lang ‘yun ‘yung bagyo, hindi lang po ‘yan ‘yung lindol na shake drill na prinepare ko ang Metro Manila nu’ng panahon ko, para sa’kin po mas mahalaga ‘yung after the disaster ano ‘yung gagawin, ano ‘yung rehabilitation,” ani Tolentino.

Aniya, nais niyang ipanukala na magkaroon ng departamento na tututok sa kung paano mabilis na makababangon ang mga Pilipino mula sa sakuna. (Jobelle Macayan)

The post Department of disaster management isusulong ni Tolentino appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *