DENR pinagpapaliwanag sa pagbaha

Pinagpapaliwanag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung bakit pinapahintulutan nitong magpatuloy ang quarrying activities sa Marikina watershed na itinuturong dahilan ng paglubog ng ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya nang manalasa ang bagyong Ulysses.

The post DENR pinagpapaliwanag sa pagbaha first appeared on Abante.

denr pinagpapaliwanag sa pagbaha - DENR pinagpapaliwanag sa pagbaha
DENR 1 - DENR pinagpapaliwanag sa pagbaha

Pinagpapaliwanag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung bakit pinapahintulutan nitong magpatuloy ang quarrying activities sa Marikina watershed na itinuturong dahilan ng paglubog ng ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya nang manalasa ang bagyong Ulysses.

Nakapaloob ito sa House Resolution No. 1361 na inihain ni Vargas na kung saan hiniling nito sa House Special Committee on Reforestation na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa usapin.

Nais malaman ng kongresista sa DENR at iba pang kinauukulang ahensya kung ano ang ginagawa nito para tugunan ang illegal logging sa protected areas tulad ng Sierra Madre mountain range.

Maging ang estado ng reforestation program ng pamahalaan gayundin ang mga inisyatibo nito kaugnay sa pangangalaga ng watershed ay nais ding malaman ng kongresista.

“The extensive damage caused by Typhoon Ulysses, as well as the previous typhoons, should be seen as a wake up call for us to work for a viable and successful reforestation program and to protect our forest areas and watersheds from such extractive activities as illegal logging and quarrying,” ayon sa kongresista. (Eralyn Prado)

The post DENR pinagpapaliwanag sa pagbaha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *