DENR palpak sa Manila Bay rehab

Bigo ang rehabilitation ng Manila Bay na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DERN) dalawang taon nang nakalilipas.

The post DENR palpak sa Manila Bay rehab first appeared on Abante.

denr palpak sa manila bay rehab - DENR palpak sa Manila Bay rehab
Manila Bay 2 1 - DENR palpak sa Manila Bay rehab

Bigo ang rehabilitation ng Manila Bay na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DERN) dalawang taon nang nakalilipas.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) hindi nito naramdaman ang rehabilitation ng Manila Bay dahil nasa dalawa hanggang limang kilong isda lamang ang nahuhuli ng mga mangingisda sa lugar at sinisisi nila ang kaunting huli sa polusyon sa karagatan.

Sa halip na linisin at buhayin ang karagatan, ang DENR pa ang pumapatay dito lalo na nang tambakan nito ng dolomite ang Manila Bay.

“Fish catch suffer from interminable decline, an indication of an ever-polluted marine resources. The DENR has failed to address the primary causes of Manila Bay’s ecological degradation. Instead, the head agency of the rehabilitation program resorts to a superficial solution such as dumping of synthetic white sands or the dolomite,” sabi ni Pamalakaya chair Fernando Hicap.

Paalala ng Pamalakaya, P49 bilyon ang inilaan para sa Manila Bay rehabilitation program at ang layuning ay maging ligtas ito para sa swimming at iba pang recreation.

Binatikos ng Pamalakaya ang DENR dahil sa pinayagan nito ang reclamation projects na nakasisira sa mga bakawan sa lugar na ikawawala ng kabuhayan ng mga mangingisda. (Eileen Mencias)

The post DENR palpak sa Manila Bay rehab first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *