DENR, DOT kasado sa Bora fever

TINIYAK ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) ang kahandaan ng Boracay sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong summer season.

The post DENR, DOT kasado sa Bora fever appeared first on Abante News Online.

denr dot kasado sa bora fever - DENR, DOT kasado sa Bora fever
abante boracay2 - DENR, DOT kasado sa Bora fever

TINIYAK ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) ang kahandaan ng Boracay sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong summer season.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda nakatakdang magpulong ang Boracay Task Force para ilatag ang mga measure na ipatutupad para matiyak na mapanga­ngalagaan ang isla at hindi muling maabuso lalo ngayong summer na isa ang Boracay sa paboritong destinasyon.

Bukod umano sa pagtiyak na maayos at ligtas ang pagdating ng mga turista ay prayoridad ding masiguro na masusunod ang daily carrying capacity na 6,405 na bisita.

Sa panig naman ng DOT ipinaalala ni Tou­rism Secretary Berna Romulo-Puyat na sa compliant at approved hotels lamang magpa-booked.

Sa pinakahuling talaan ng DOT nitong Marso 2019 ay nasa 326 na ang accredi­ted hotels na kayang magbigay ng 11, 943 rooms. (Tina Mendoza)

The post DENR, DOT kasado sa Bora fever appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *