DENR binola Kongreso sa ‘white sand’

Maaaring maharap sa parusang perjury ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa magkakasalungat na pahayag tungkol sa kontrobersiyal na Manila Bay white sand project, ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon.

The post DENR binola Kongreso sa ‘white sand’ first appeared on Abante.

denr binola kongreso sa white sand - DENR binola Kongreso sa ‘white sand’
white sandd - DENR binola Kongreso sa ‘white sand’

Maaaring maharap sa parusang perjury ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa magkakasalungat na pahayag tungkol sa kontrobersiyal na Manila Bay white sand project, ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon.

Kinuwestiyon ni Ridon ang magkaibang pahayag ng mga DENR official, kung saan ilan ang nagsabing humingi ng Environmental Compliance Certificate (ECC) exemption para sa proyekto habang ang ibang opisyal ay nagsabing pumasa ang proyekto sa environmental impact assessment.

“Ano ba talaga, humingi ng ECC exemption o pumasa sa environmental impact assessment? Hindi po pwedeng pareho, kasi yung isa dun sinungaling,” ani Ridon.

Taliwas din aniya sa pahayag ng DENR, ilang opisyal nito ang nagsabing hindi na kailangan ng environment study sa “beach nourishment” project dahil isa na itong rehabilitation project.

Isa rito si DENR Undersecretary Benny Antiporda na sinabing, “It is a rehabilitation project, not a construction project. It’s only a beach nourishment [project] in which we’re beautifying it.”

Kaya giit ni Ridon, “Maganda siguro mag-usap-usap sila sa DENR kung ano ba talaga yung paliwanag nila sa environmental permitting process ng proyekto, kasi kung ano-ano na lang yung sinasabi nila sa publiko.”

Inihalimbawa rin ni Ridon ang magkasalungat na pahayag ng mga opisyal ng DENR sa naging budget hearing sa Kongreso na tila aniya pambobola na sa mga Pilipino pati na rin sa Kongreso.

“During DENR’s budget hearing, DENR Undersecretary Jonas Leones said that desilting is included in the P389 million project, in which P28 million constituted the cost of dolomite. However, a perusal of the project’s DPWH supplemental bulletin shows no line-item relating to desilting activities, but mostly the filling of sand along the Manila Bay boardwalk. How can this not be perjury? Binobola na natin ang publiko, binobola pa natin ang Kongreso,” wika ni Ridon. (IS)

The post DENR binola Kongreso sa ‘white sand’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *