Dengue sa Negros Occidental: 49 patay

Umabot na sa 49 katao ang nasawi sa n Negros Occidental mula Enero 1 hanggang Agosto 24, 2019, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

dengue sa negros occidental 49 patay - Dengue sa Negros Occidental: 49 patay
dengue 11 - Dengue sa Negros Occidental: 49 patay

Umabot na sa 49 katao ang nasawi sa n Negros Occidental mula Enero 1 hanggang Agosto 24, 2019, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Ayon sa report, pinakamataas ang kaso sa Kabankalan City kung saan naitala sa 972 ang kaso habang 6 ang patay. Kasunod nito ang Himamaylan City na may limang kaso.

May ilang nasawi sa n Cadiz City, San Carlos City at Cauayan, na may apat na kaso; Sagay City at Bago City, 3 kaso; Hinoba-an, Salvador Benedicto, Candoni, at Escalante City, 2 kaso; San Enrique, Hinigaran, E.B. Magalona, La Castellana, Manapla, Victorias City, La Carlota City, Calatrava, Binalbagan, Talisay City, Silay City, and Murcia, na may tig- isang kaso.

Ayon kay PHO head Ernell Tumimbang, hindi magandang balita ito para sa kanila dahil patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue.

“Despite that, we still need to work to bring the deaths down. I hope it will not reach 1 percent,”sabi pa nito.

Sa pinakahuling talaan, nasa 7,208 kaso ng dengue ang nai-record sa Negros Occidental, na mas mataas ng 67 percent para sa katulad ng panahon noong 2018. ( Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *